Malakihang taas-presyo sa petrolyo, ipapatupad sa November 4

Magpapatupad ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa Martes, November 4.


Inanunsyo ng Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz ngayong Lunes na tataas ng ₱1.70 kada litro ang presyo ng gasolina, habang ₱2.70 naman kada litro ang dagdag sa diesel.


Magdadagdag din ng ₱2.10 kada litro sa presyo ng kerosene.


Ito na ang ikalawang sunod na linggo na magtataas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga oil firm.


Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag-presyo na ₱1.20 kada litro sa gasolina, ₱2.00 kada litro sa diesel, at ₱1.70 kada litro sa kerosene. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *