Inanunsyo ng Department of Energy na magpapatupad ng malakihang pagtaas sa presyo ng langis simula Martes, March 24.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, tataas ang presyo ng gasolina ng P6.47 kada litro, diesel ng P11.88, at kerosene ng P13.66 kada litro.
Sinabi ng DOE na bahagyang humupa ang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado, ngunit nananatiling apektado ito ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Patuloy rin ang panawagan sa oil companies na ipatupad ang staggered price increases upang mabawasan ang bigat sa mga motorista.
Dagdag pa ng DOE, sapat ang suplay ng langis sa bansa hanggang unang linggo ng Mayo habang inaasahan ang mga susunod na delivery.
Sa kabila nito, inanunsyo ng PetroGazz na magpapatuloy ang P5 rollback sa piling mga istasyon sa Luzon, Visayas at Mindanao, kahit nagpapatupad ng price increase ang ibang kumpanya.
