Malacañang: Si VP Sara na-scam? Baligtad yata?

Bumuwelta ang Malacañang kay Vice President Sara Duterte matapos nitong sabihin na na-scam siya noong 2022 elections.
“Baliktad yata?” sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing nitong Lunes.
Ayon kay Duterte, naniwala siya sa platapormang “unity and continuity” nila ni Pangulong Bongbong Marcos, pero kalaunan ay nadismaya. “Nadala na ako, na-scam na ako, nabudol na ako,” aniya.
Lumala ang hidwaan nina Marcos at Duterte nang imbestigahan ng Kamara ang paggamit ng confidential funds ng VP at DepEd. | via Allan Ortega | Photo via RTVM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *