Malacañang, pinauubaya sa DILG ang mga opisyal na nag-travel sa gitna ng kalamidad

Ipinauubaya na ng Malacañang kay DILG Secretary Jonvic Remulla ang desisyon kung anong gagawin sa mga lokal na opisyal na bumiyahe pa rin sa ibang bansa, sa kabila ng utos nang huwag munang umalis para makaresponde sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi raw agad dapat husgahan ang mga opisyal na ito, dahil kailangang malaman muna kung ano talaga ang dahilan ng kanilang biyahe.

Dagdag pa ni Castro, titingnan din kung nakaapekto ba sa mabilis na pagtugon sa kalamidad ang kanilang pag-alis.

Sa huli, sabi ng Palasyo, si Secretary Remulla na raw ang bahalang magdesisyon kung ano ang dapat gawin at kung paano mananagot ang mga lokal na opisyal na sinasabing sumuway sa utos ng DILG. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *