Inanunsyo ng Malacañang na ilalabas sa Biyernes ang resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa mga reklamo laban sa PrimeWater Infrastructure Corp., isang kumpanyang pag-aari ng pamilya Villar. Ayon kay Press Undersecretary Claire Castro, kasalukuyang nire-review ni Pangulong Marcos ang makapal na ulat na umabot daw sa dami na “kasya sa dalawang balikbayan box.”
Binigyang-diin ni Castro na seryoso ang gobyerno sa pagresolba sa isyu. May mga legal na hakbang nang inihahanda base sa resulta ng imbestigasyon.
Samantala, sinabi ng PrimeWater na buo ang kanilang pakikipagtulungan sa imbestigasyon at bukas sila sa mga rekomendasyon upang mapabuti ang serbisyo.
Noong Abril 30, inatasan ni Marcos ang LWUA na magsiyasat sa dami ng reklamo—tulad ng madalas na water interruptions, maruming tubig, at mataas na singil—na inirereklamo ng mga customer ng PrimeWater. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV
