Malacañang kay Zaldy Co: Harapin ang mga alegasyon sa flood control

Nanawagan ang Malacañang sa nagbitiw na Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na harapin ang mga akusasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa isang press briefing nitong Martes, sinabi ni Palace Press officer Claire Castro na walang makapipigil sa desisyon ni Co na magbitiw sa pwesto, ngunit hindi niya matatakasan kung magkakaroon man ng kasong isasampa sa kanya.

Dagdag ni Castro, mas mainam na ipaliwanag niya ang kanyang panig dahil kung hindi niya sasagutin ang mga alegasyon, lalabas lamang siyang guilty.

Samantala, humiling na ang Department of Justice (DOJ) ng “blue notice” mula sa Interpol para matunton ang kinaroroonan ni Co, na sinasabing tumanggap umano ng kickbacks mula sa bilyon-bilyong pisong flood control projects. | via Andrea Matias, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *