Malacañang iniutos ang pagpapatupad ng National Action Plan for Unity, Peace and Development

Inaprubahan na ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular 83, na nag-uutos sa pagpapatupad ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) 2025-2028. Layunin nitong wakasan ang insurgency at tiyakin ang inclusive at sustainable na kapayapaan sa bansa.

Ayon sa utos, pangunahing tututok dito ang NTF-ELCAC, na siyang magpapatupad, magbabantay, at mag-uulat sa Malacañang ukol sa mga programa ng NAP-UPD. Kabilang sa plano ang paglikha ng mga local peace centers, national project offices, at Overseas Coordinating Committee para sa mga kapayapaan at kaunlaran initiatives.

Ipinag-utos din na makipag-ugnayan ang mga ahensya ng gobyerno, LGUs, at pribadong sektor, kabilang ang mga unibersidad at GOCCs, para suportahan ang mga proyekto. Walang bagong pondo, dahil gagamitin ang kasalukuyang budget ng mga ahensyang sangkot.

Epektibo na agad ang utos, ayon sa Malacañang. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA’s FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *