Malacañang – ikatuwa na lang dapat ni Sen. Imee ang mga hakbang ng pangulo kontra korapsyon

May ibang layunin si Sen. Imee Marcos hinggil sa binitawang pahayag sa INC Rally kagabi, yan ang para sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, binubuhay lamang ng senadora ang usapin sa paggamit ng droga dahil wala nang maibatong ibang isyu.

Aniya, matagal nang tapos ang isyu dahil bago pa lang maging pangulo ay nagpa-drug test na ito.

Ikatuwa dapat umano ng Senadora ang mga hakbang ng pangulo sa matinding paglaban kontra korapsyon. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *