Makakabili na ng 30 kilos ang kada-pamilya sa Kadiwa Stores

Inanunsyo ng Department of Agriculture na itinaas na sa 30 kilo kada buwan ang maximum na dami ng bigas na maaaring bilhin ng bawat pamilya sa mga Kadiwa store. Layunin ng hakbang na ito na tugunan ang tumataas na demand sa bigas ngayong holiday season at tiyaking sapat ang supply para sa lahat.
Ang Kadiwa program ay bahagi ng inisyatibo ng pamahalaan upang makapagbigay ng abot-kayang pagkain sa mga Pilipino. Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas sa Kadiwa ay nananatiling abot-kaya, na may layuning mapanatili ito sa pagitan ng ₱38 hanggang ₱39 kada kilo.

Kaya’t para sa mga nais maghanda ng masarap na hapag ngayong Semana Santa, huwag palampasin ang pagkakataong ito. Tara na sa Kadiwa at samantalahin ang mas mataas na rice limit. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *