Makabayan Bloc, naghain ng resolusyon para muling sumapi ang Pilipinas sa ICC

Naghain ang ilang mga mambabatas mula sa Makabayan Bloc ng House Resolution No. 811 at House Bill No. 809, na nananawagan sa muling pagsapi ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court o ICC.

Sa magkaibang resolusyon, ipinunto ng Makabayan Bloc ang pangangailangan na i-re-access ang muling pagsapi ng bansa sa Rome Statute ng international judicial body.

Ayon naman kay Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña, ang pagbabalik ng Pilipinas sa ICC ay isang malinaw na pahayag ng pakikiisa sa mga biktima ng umano’y madugong giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Giit ng mambabatas, mahalaga rin ang re-accession sa ICC bilang panangga laban sa posibleng pag-uulit ng malawakang paglabag sa karapatang pantao sa hinaharap.

Dagdag pa ni Cendaña, hindi dapat payagan ng bansa ang pagbabalik ng isang pamumunong muling magmamaliit sa karapatang pantao at magpapalaganap ng dahas laban sa mamamayan.

Ang paghahain ng resolusyon ay kasabay ng pagsisimula ng confirmation-of-charges hearing ng ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga kasong extrajudicial killings. | via Judea Bernardo, D8Tv News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *