Mahigpit na screening sa mga paliparan sa Asya, ipinatutupad dahil sa Nipah virus

Hinihigpitan ngayon ang mga screening protocol sa mga paliparan sa buong Asya bunsod ng pangamba sa kumakalat na Nipah virus mula sa West Bengal state ng India.

Sa Thailand, nagsimula nang suriin ang mga pasahero sa tatlong paliparan na tumatanggap ng mga flight mula sa West Bengal.

Ang Nepal naman ay nagsasagawa ng screening sa lahat ng mga sasakyan na pumapasok sa paliparan ng Kathmandu at iba pang mga lugar sa border nito sa India.

Noong Disyembre, dalawang kaso ng Nipah virus ang naitala sa West Bengal.

Parehong health workers umano ang nagkaroon nito.

Ang Nipah virus ay maaaring kumalat mula sa mga hayop patungo sa mga tao.

Wala pang bakuna o gamot laban sa virus at ang death rate mula rito ay mula 40 hanggang 75 percent ng mga kaso.

Itinuturing ng World Health Organization ang Nipah bilang isa sa mga pangunahing sakit na dapat bantayan dahil sa posibilidad nitong magdulot ng malawakang pagkalat.

Ang virus ay mabubuhay mula apat hanggang labing-apat na araw.

Ang mga nahahawaan nito ay maaaring walang ipakitang anumang sintomas, habang ang iba naman ay maaring magka- lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagsusuka, at pananakit ng lalamunan.

Sa mas malubhang sitwasyon, ang pasyente ay maaaring magka-pulmonya at encephalitis o pamamaga ng utak.

Ayon sa Department of Health, huling na-detect ang virus sa bansa noong 2014 kung saan 17 kaso ang naitala sa Sultan Kudarat sa Mindanao. | via Miguel Alfonso, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *