Mahigit 34 katao na ang nasawi habang milyon-milyong Amerikano ang humaharap sa matinding lamig na bumabalot sa malaking bahagi ng Estados Unidos ngayong linggo.
Naglabas ng cold weather alerts sa gitna at silangang US, habang inaasahang magtatala ng record-breaking na lamig ang tinatawag na polar vortex sa ilang bahagi ng timog at hilagang-silangan ng bansa.
Pinahihirapan din ng sobrang lamig ang clearing operations dahil ang natutunaw na yelo ay agad nagyeyelo muli sa single-digit temperatures.
Ilan sa mga pagkamatay ay dahil sa hypothermia at mga aksidenteng dulot ng masamang panahon.
Halos 539,000 katao ang walang kuryente sa 11 state, kabilang ang Texas, Tennessee, Mississippi, at Louisiana.
