Mahigit 2,000 security personnel ang ipinadala ng Philippine National Police upang pangunahan ang seguridad sa ASEAN Summit 2026 sa Central Visayas mula January 19 hanggang 20.
Idinaos ang send-off ceremony sa Panglao, Bohol kamakailan bilang pagpapakita ng kahandaan ng pulisya sa rehiyon, ayon kay PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr.
Bilang suporta, inilunsad ng Police Regional Office 7 ang Bohol Tourist Police Unit na binubuo ng walumpu’t walong specially trained tourist police officers.
Pinaigting ng mga pulis sa Central Visayos ang pagpapatrolya sa tourism hubs, coastal areas, maritime security, rapid response, at emergency management.
