Mahigit 2.3 million Pinoy, nagparehistro para sa 2026 BSKE

Umabot sa mahigit 2.3 milyong Pilipino ang nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ayon sa Commission on Elections o Comelec.

Sa datos, nasa 2,382,364 ang kabuuang bilang ng rehistrado, lampas sa target ng pamahalaan na 1.4 milyong bagong botante.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng registrants sa Region IV-A o CALABARZON na may 424,454, sinundan ng Region III o Central Luzon na may 280,637, at National Capital Region na may 253,202.

Naiulat naman ang 3,279 na nagparehistro sa pamamagitan ng Special Register Anywhere Program sa Comelec office sa Intramuros, Maynila.

Nagpatuloy ang nationwide voter registration na tatagal hanggang May 18, 2026.

Maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Linggo, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa alinmang satellite registration site, o sa Office of the Election Officer sa kani-kanilang lugar. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *