Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa umiiral na easterlies, ayon sa PAGASA nitong Martes.
Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz, Northern Samar, at Eastern Samar. Babala ng PAGASA, posibleng magdulot ito ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa Metro Manila, Mindanao, at iba pang bahagi ng Visayas, Calabarzon at Mimaropa, asahan ang mga isolated rain showers o panaka-nakang buhos ng ulan. Samantala, sa nalalabing bahagi ng Luzon, posible rin ang mga lokal na thunderstorm.
Mananatiling banayad hanggang katamtaman ang ihip ng hangin at alon sa buong kapuluan. | via Allan Ortega
