Magnitude 5.3 na lindol, yumanig sa Batanes

Isang magnitude 5.3 na lindol ang yumanig sa lalawigan ng Batanes ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol na naitala bandang alas-6:28 ng umaga, humigit-kumulang 177 kilometers sa hilagang-kanluran ng bayan ng Sabtang.

May lalim itong 33 kilometers at posibleng magdulot ng mga aftershock.

Gayunman, sinabi ng ahensyang mababa ang posibilidad na magdulot ito ng pinsala sa mga imprastraktura.

Patuloy na mino-monitor ng Phivolcs ang sitwasyon at pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng kasunod na pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *