Magkasunod na truck crash sa EDSA, nagdulot ng matinding trapik

Dalawang magkasunod na banggaan ng mga truck ang naganap sa EDSA Northbound, bahagi ng Quezon Avenue Flyover, madaling araw ng Miyerkules.

Ang unang insidente ay nangyari kaninang alas-tres ng madaling araw. Isang dump truck ang sumalpok sa 14 concrete barriers, 3 plastic barriers, at 1 signage. Nawalan ng kontrol ang driver dahil umano sa antok, bahagyang nasugatan ang 2 katao. Tinatayang galing ang truck sa Taguig at pauwi na sa Porac, Pampanga. Titiketan ang driver para sa reckless driving at i-impound ang sasakyan.

Ang pangalawang insidente ay nangyari naman makalipas lang ang tatlumpung minute ng isang dump truck naman mula Sta. Rosa ang bumangga sa truck na may kargang 35 motorsiklo papuntang Bulacan. Nasugatan nang bahagya ang driver at pahinante nito.

Nagdulot ito ng matinding trapik dahil na-block nito ang dalawang lane ng EDSA Northbound at pati ang busway.

Paalala ng MMDA iwasan ang pagmamaneho kapag puyat o pagod upang maiwasan ang aksidente. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *