Magha-hire ng mahigit 1,000 healthcare workers ang PGH

Ang Philippine General Hospital (PGH) ay magdadagdag ng 1,224 healthcare workers sa loob ng tatlong taon! Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), inaprubahan na ang pondo para rito matapos ang hiling ng UP-Manila— ang nangangasiwa sa PGH.

Dahil utos mismo ni President Bongbong Marcos na palakasin ang public healthcare lalo na para sa mga Pilipinong kapos sa bulsa. Sabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, gusto ng gobyerno na siguraduhin na may kalidad na serbisyo ang mga ospital tulad ng PGH.

Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, “Alam nating maraming mahirap ang umaasa sa PGH dahil maganda ang serbisyo at mura pa!” Target ng dagdag na tauhan: mas mabilis na gamutan, mas alagang pasyente.
Ang PGH ngayon ay may 1,334-bed capacity at tumatanggap ng higit 600,000 pasyente taon-taon. Nitong March lang, umapaw na ang emergency room. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *