Asahan na ang tuloy-tuloy na ulan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon o habagat, ayon sa PAGASA ngayong Martes.
Basang-basa ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan sa occasional rains. Samantalang ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Central Luzon, Mimaropa, at buong Visayas ay may kalat-kalat na ulan at thunderstorm. ⚡☔
Posibleng magdulot ng baha at landslide ang moderate to heavy rains sa mga nabanggit na lugar!
Sa ibang bahagi ng bansa, panaka-nakang pag-ulan ang mararanasan dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang malalakas na hangin at medyo maalong dagat ang iiral sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas. Sa iba naman, banayad lang ang hangin at alon.
Samantala, may bagong banta sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR)! Isang low pressure area ang naging tropical depression na, at nasa 535 km kanluran ng Iba, Zambales. Pero ayon sa PAGASA, di ito tatama sa bansa kahit pumasok pa sa Philippine Area of Responsibility o PAR. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV