Magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas ang ITCZ at easterlies

Ayon sa PAGASA, patuloy ang pag-ulan dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies. Inulan ang Mindanao at Palawan dahil sa ITCZ, habang ang Eastern Samar binasa ng ulan at kulog mula sa easterlies. Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, may paminsang ulan at pagkidlat-pagkulog. May banta rin ng flash flood at landslide dahil sa pabugso-bugsong ulan!

Sa gitna ng ulan, matindi rin ang init! Tataas sa 45°C ang heat index sa Sangley Point, Cavite at Ambulong, Batangas. 44°C sa NAIA, Pasay at Dagupan City, habang 43°C naman sa Olongapo, Bulacan, at Tarlac. Hindi rin ligtas ang Isabela, Mindoro, Palawan, at Camarines Sur na aabot sa 42°C. Delikado sa katawan ang ganitong init posibleng magdulot ito ng heat cramps, exhaustion, o stroke!

Binabantayan din ng PAGASA ang mga ulap sa silangan ng Mindanao na posibleng maging low pressure area (LPA) sa loob ng 24 oras. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *