Nagkaharap nitong Biyernes ang barkong BRP Cabra ng Philippine Coast Guard laban sa 22 Chinese vessels na nagbabantay sa Scarborough Shoal, ayon sa maritime expert na si Ray Powell.
Binubuo ito ng walong barko ng China Coast Guard at 14 maritime militia.
Matatandaang nitong Setyembre 10, inanunsyo ng China ang pagtatayo ng “nature reserve” sa Scarborough, bagay na tinutulan ng DFA sa pamamagitan ng diplomatic protest. Ayon sa AFP at Philippine Navy, hindi nila hahayaang maagaw ang karapatan ng bansa sa lugar.
Sumuporta sa Pilipinas ang Australia, Canada, at Japan sa pagtutol sa plano ng China.
Kamakailan, isang tripulanteng Pinoy sa barkong BRP Datu Gumbay Piang ang nasaktan matapos gamitan ng water cannon ng CCG habang namimigay ng ayuda sa mga mangingisda.
Ang Scarborough Shoal, 124 nautical miles mula Masinloc, Zambales, ay nasa loob ng EEZ ng Pilipinas. Noong 2016, pabor sa Pilipinas ang desisyon ng arbitral tribunal, ngunit patuloy itong hindi kinikilala ng China. | via Allan Ortega
