Mag-asawang Discaya, hindi na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI

Inihayag ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka na hindi na makikipagtulungan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Matatandaang humingi ng pitong araw na palugit ang mga Discaya upang ibahagi ang ilan pang mga dokumento hinggil sa isyu.

Samantala, sabay na umalis ang mag-asawang Discaya ngunit magkahiwalay ang kanilang dinaanan tila tumatangging humarap sa media

Dagdag pa rito, sinabi ni Hosaka hindi na handang bumalik ang mga discaya sa ICI dahil sa pagnanais nilang maging state witness. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *