Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa Manila Police District ang full visibility ng mga pulis sa lahat ng sulok ng lungsod.
Layunin nito umano na mapigilan ang posibleng pagtaas ng mga kaso ng krimen habang abala ang publiko sa pamimili at pagdiriwang ng Pasko.
Ayon sa alkalde, ito ay alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) acting Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na siguraduhing ramdam ng publiko ang presensya ng kapulisan lalo na sa mga pampublikong lugar tulad ng mga palengke, terminal, at simbahan.
Kaya naman magde-deploy ng karagdagang tauhan ang MPD at magsasagawa ng round-the-clock patrols sa mga matataong lugar upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Manileño. | via Ghazi Sarip
