Lumagpas ang administrasyong Marcos sa itinakdang limitasyon ng budget deficit sa unang kalahati ng taon

Lumampas ang administrasyong Marcos sa itinakdang limitasyon sa budget deficit para sa unang kalahati ng 2025, matapos pumalya sa parehong target ng kita at paggasta. Ayon sa Bureau of the Treasury, umabot sa P765.5 bilyon ang kakulangan sa badyet mula Enero hanggang Hunyo—24.69% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon, at P4.8 bilyon lampas sa P760-bilyong ceiling.

Kumikita man ang gobyerno, kapos pa rin ang kabuuang kita ay umabot sa P2.26 trilyon (mas mababa ng P20.4B sa target). BIR collections tumaas ng 14.11% pero kulang pa rin ng P24.4B sa goal. Customs halos walang galaw (+0.71%), hindi naabot ang target sa gitna ng pagbaba ng buwis sa bigas at e-vehicles.

Sa kabila ng kita, tumaas din ang gastos ang government spending umabot sa P3.03 trilyon (+9.49%), ngunit kulang pa rin ng P15.6B sa target. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *