Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa may-ari at driver ng truck na involved sa aksidenteng nakapatay ng tatlo sa South Luzon Expressway.
Tatlong magkakamag-anak ang namatay matapos masalpok ang kanilang kotse ng isang truck sa kahabaan ng SLEX sa bahagi ng Alabang, Muntinlupa City nitong Martes ng madaling araw, December 23.
Isinailalim sa alarm status ang truck at pansamantalang sinuspinde ang lisensya ng driver ng siyamnapung araw.
Sugatan naman ang tatlo pang kaanak ng mga biktima, kabilang ang isang limang taong gulang na bata
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nag-menor umano ang kotse at hindi agad nakapag-preno ang truck, dahilan para masalpok nito ang likurang bahagi ng sasakyan.
Posible rin umanong masyadong mabilis ang takbo ng truck nang mangyari ang insidente. | via Alegria Galimba
