Kinapos ang Land Transportation Office (LTO) sa buwis na kinakailangan para sa taong 2025.
Ayon kay LTO Executive Director Atty. Greg Pua Jr., 18% ang kulang dito kung saan target nila ang P34,295,415,000 na makolekta ngunit P28,265,639,743 lamang ang kanilang nakuha noong October 31.
Aniya, bunsod ito ng pagbaba ng 68% sa bilang ng mga nagpapa-renew ng lisensya dahil 10 taon na ang expiration nito na dating tuwing tatlong taon ang renewal.
Kabuuang 3.2 milyon ang nagpa-renew noong January hanggang September noong nakaraang taon ngunit sa parehong mga buwan ngayong taon, 1.2 milyon na lamang ito.
Samantala, dinagdagan pa umano ng sunod-sunod na kalamidad bilang dahilan ng hindi maabot na buwis habang inaasahan namang muli itong tataas sa mga taong 2030, 2031 at 2032. | via Ghazi Sarip
