LTO Chief, kumasa sa commute challenge

Kumasa sa commute challenge si Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Vigor Mendoza II ngayong Miyerkules, September 17.

Sumakay ng jeep at MRT-3 papasok ng opisina sa Quezon City si Mendoza mula sa kanyang tahanan sa Marikina.

Ito ay kasunod ng direktiba ni Department of Transportation (DOTr) acting Secretary Giovanni Lopez sa mga opisyal ng ahensya na maranasan ang pagko-commute kahit isang beses sa loob ng isang linggo.

Matatandaang una nang kumasa sa hamon si Lopez at sinabing nahirapan ito sa pagkasakay dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Pagkatapos nito ay kailangang magsumite ng report ang mga opisyal kasama ang kanilang rekomendasyon para sa magiging tugon ng ahensya ang pahirapang biyahe ng mga commuter araw-araw. | via Alegria Galimba, D9TV News | Photo via LTO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *