Inutos ni LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II sa lahat ng regional directors na simulan na ang inspeksyon sa mga bus at transport terminals bilang paghahanda sa Undas ngayong Nobyembre 1 at 2. Ayon kay Mendoza, ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking komportable at ligtas ang biyahe ng mga pasahero.
Kasama sa mga tinitingnan ng LTFRB ang kalinisan at maayos na kundisyon ng mga comfort room dapat ay gumagana, maliwanag, maaliwalas, at libre o mura lang gamitin. Dagdag pa rito, dapat ay may maayos na hintayan at madali ang proseso ng pagbili ng tiket.
Giit ni Mendoza, “Hindi lang ito pang-Undas, kundi regular na gagawin kada buwan.” Magsisimula na rin umano ang “mystery passengers” ng LTFRB sa pag-inspeksyon sa mga terminal sa buong bansa simula Oktubre 24. | via Allan Ortega
