LTFRB, paparusahan ang mga TNVS driver na magkakansela ng booking

Pagmumultahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sinumang Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver na magkakansela ng booking ng pasahero.

Ayon sa LTFRB Memorandum Circular 2025-055, tugon ito sa dumaraming reklamo ng booking cancellations ngayong holiday season.

Sa unang paglabag, P5,000 piso agad ang multa.

Mado-doble ito sa P10,000 sa pangalawang violation.

Kinse mil naman ang ipapataw sa driver sa ikatlong violation, pati na ang kanselasyon ng Certificate of Public Convenience nito.

Ituturing na paglabag ang pagkansela ng booking matapos itong tanggapin sa app, ang pag-iwas sa maiikling biyahe, at diskriminasyon laban sa senior citizens, PWDs, at iba pang vulnerable passengers.

Magsasagawa rin ng imbestigasyon ang LTFRB sa mga paulit-ulit na paglabag, kabilang ang pag-review ng company logs para matukoy kung sinasadyang tumanggi ang driver.

Paparusahan din ang TNVS companies na bigong bantayan o kontrolin ang mga driver na paulit-ulit na lumalabag o nangdi-diskrimina sa pasahero. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *