Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga transport operator na tiyaking maayos at ligtas gamitin ang kanilang mga pampublikong sasakyan o PUV.
Ayon sa ahensya, magpapatupad sila ng bagong polisiya na haharang sa renewal ng prangkisa ng mga luma at sirang PUV.
Sinabi ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza II na tinatapos na ang polisiya bago ito isumite kay Transportation Secretary Giovanni Lopez para sa pag-apruba.
Nilinaw rin ni Mendoza na hindi layunin ng kampanya ang phaseout ng mga pampasaherong jeep, kundi ang pag-ayos at pagpapanatili ng mga unit ng mga operator.
Pinaigting ng LTFRB ang kampanya laban sa mga marurumi at bulok na jeepney matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa publiko.
Nanawagan din si Mendoza sa mga transport group na tiyaking maayos ang pananamit ng mga drayber dahil may ilan umanong pumapasada na naka-sando, shorts, at tsinelas. | via Allan Ortega
