LRT-2, naantala dahil sa sirang tracks sa Santolan Station

Pansamantalang naantala ang operasyon ng LRT-line 2 ngayong umuaga ng Martes dahil sa sirang train tracks sa Santolan Station.

Alas-kwatro ng umaga nang mag-abiso ang pammunuan ng LRT-2 na kasalukuyang ginagawa ang nasabing train tracks.

Ayon sa isang panayam kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, pasado alas onse ng gabi nang may ma-diskaril na bagon sa may Santolan.

Dahil dito, limitado ang operasyon ng linya kinaumagahan, nag-aalok lamang ng mga biyahe mula Recto Station hanggang Araneta Center-Cubao Station.

Pasado alas siyete naman ng umaga nang mag-abiso ang LRTA-Line 2 sa kanilang Facebook Page na balik operasyon na mula Recto Station hanggang Antipolo Station at pabalik ang linya ng tren.

Magpapatuloy pa rin naman ang libreng sakay sa buong araw alinsunod sa utos ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez. | via Martina Torres, D8TV News | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *