LPA na binabantayan sa loob ng PAR, tuluyan nang naging bagyo

Isa nang ganap na Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito ay tatawaging Bagyong Ada.

Batay sa 11AM update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa kanlurang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Visayas sa Northern Samar, Samar at Eastern Samar.

Sa Mindanao, nakataas din ito sa Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Magdadala naman ang northeast monsoon o amihan ng pag-ulan sa Cagayan, Isabela, at Aurora.

Magkakaroon naman ng mahinang pag-ulan sa Cordillera at iba pang bahagi ng Cagayan Valley, at paminsan-minsang ambon sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Sa iba pang lugar ng bansa, kabilang ang Metro Manila, posibleng makaranas ng isolated rainshowers dulot ng easterlies at localized thunderstorms. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *