LPA, habagat magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas

Basang araw ngayong Lunes! Ayon sa PAGASA, isang Low Pressure Area (LPA) at ang habagat ang may pasimuno ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang LPA ay matatagpuan sa 275 km hilagang-kanluran ng Baler, Aurora o 215 km kanluran-hilagang-kanluran ng Bacnotan, La Union. May tsansa rin itong maging bagyo sa loob ng 24 oras!

Asahan ang kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog sa Ilocos Region, Abra, Benguet. Sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan, Antique naman ay may panaka-nakang ulan dulot ng habagat. Sa Metro Manila, Bicol, Visayas, Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON makakaranas naman ito ng kalat-kalat na ulan at thunderstorm. At sa Mindanao at natitirang bahagi ng Luzon may isolated rain showers dahil sa localized thunderstorm.

Pinag-iingat ang lahat dahil maaaring magdulot ng pagbaha at landslide ang malalakas na ulan! Katamtaman hanggang malalakas ang hangin at maalon sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas. Banayad naman ang kondisyon sa ibang lugar. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Yancy Lim

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *