LPA, easterlies magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas

Iba’t ibang bahagi ng bansa ang makakaranas ng kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog ngayong Huwebes, dulot ng Low Pressure Area (LPA) at easterlies, ayon sa PAGASA.

Alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay namataan 80 km sa hilagang-silangan ng Cuyo, Palawan, at nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Hindi ito inaasahang magiging bagyo sa susunod na 24 oras, pero magpapadala ito ng ulan sa Visayas, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.

Caraga at Davao Region ay maaapektuhan rin ng easterlies. May banta din ng flash flood at landslide sa mga nabanggit na lugar dahil sa moderate to heavy rains!

Sa natitirang bahagi ng bansa, posibleng may panaka-nakang pag-ulan at thunderstorm. Pero may 16 na lugar ang posibleng makaranas ng heat index na mula 42°C hanggang 44°C – nasa “danger” level! 44°C ang init sa Dagupan City, Pangasinan at Sangley Point, Cavite. 43°C naman sa NAIA, Ilocos, Tarlac, Isabela, Masbate, Northern Samar at 42°C sa Batangas, Laguna, Palawan, Camarines Norte, at Capiz

Iwasang magbabad sa araw para iwas sa Heat cramps, exhaustion, o heat stroke. | via Allan Ortega | Photo via PNA/John Rey Saavedra

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *