LPA at easterlies, magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

May dala na namang ulan ang isang Low Pressure Area (LPA) at easterlies, ayon sa PAGASA ngayong Lunes.

Ang LPA, nasa 235 km kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro, at mababa ang tsansang maging bagyo.

Magdadala ito ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas.

Dahil sa easterlies, makakaranas din ng ulan ang Cagayan Valley. Babala posibleng magdulot ng flash floods o landslides ang katamtaman hanggang malakas na ulan.

Sa ibang bahagi ng bansa, asahan ang panaka-nakang buhos ng ulan dahil sa localized thunderstorms.

Sa extreme Northern Luzon, moderate ang hangin at alon; sa natitirang bahagi ng bansa, light to moderate. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *