Los Angeles Dodgers, back-to-back World Series Champions

Muling natalo ng Los Angeles Dodgers ang Toronto Blue Jays (5-4) sa game 7 ng Major League Baseball World Series noong Sabado, November 1, na nagtulak sa kanila na masungkit ang back-to-back championship.

Nasungkit ng reigning champions ang panalo matapos maka-home run si Miguel Rojas sa ninth inning bago nila malamangan ang Toronto Blue Jays dahil sa home run ni Will Smith sa 11th.

Tinapos naman ng Japanese pitcher na si Yoshinobu Yamamoto ang laro matapos makakuha ng final three outs na nagdala sa pagkapanalo ng Dodgers.

Ang Los Angeles Dodgers ang unang team na muling nakasungkit ng back-to-back World Series title mula noong makuha ito ng New York Yankees noong taong 2000. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *