Lockdown sa Metro Manila, fake news —DOH

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na magpapatupad umano ng lockdown sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa influenza-like illnesses (ILI).

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, tumataas lamang ang kaso ng ILI tuwing tag-ulan at mas mababa pa ang naitalang kaso ngayong taon kumpara noong 2024.

Sa kabila nito, hinimok ng kalihim ang publiko na magsuot ng face mask at manatili sa loob ng bahay kapag sila ay may sakit.

Dagdag pa niya, suportado niya ang direktiba ng Department of Education na pagsuspinde ng mga klase sa Metro Manila noong October 13 at 14 sa gitna ng pagtaas ng kaso ng ILI at bunsod na rin ng mga sunod-sunod na pagtama ng lindol sa bansa. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *