Suportado Ombudsman ang desisyon ng Bicameral Conference Committee na i-live stream ang kanilang mga pagdinig.
Ayon sa Ombudsman, ang pagiging bukas sa mga deliberasyon ay magpapalakas ng tiwala ng publiko at titiyakin nito na ang pananagutan ay nananatiling pangunahing sandigan ng pamahalaan.
Hinikayat din ng Ombudsman ang pagpapatuloy ng mga ganitong hakbang tungo sa pagiging bukas at transparent dahil nagbibigay ito ng mas malawak na pagkakataon sa mamamayan na maunawaan at makilahok sa demokratikong proseso.
Umaasa naman ang tanggapan na ang inisyatibong ito ay hindi magiging pansamantalang hakbang lamang, kundi maging pamantayan sa mga susunod na gawain ng lehislatura.
Ipinapakita ng Bicameral Committee na ang pag-unlad ng demokrasya kapag ang mga proseso nito ay nakikita, nauunawaan, at nasusuri ng publiko.
Pinuri ng Ombudsman ang hakbang na ito ay tungo sa mas bukas, mas demokratiko, at mas responsableng pamahalaan. | via Alegria Galimba
