Live streaming ng imbestigasyon ng ICI, may epekto sa mga testigo, ayon sa isang senador

Mas mabuti pa rin daw na closed-door ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil nag-iiba raw ang asal ng mga tao kapag nasa harap ng camera, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.


Ito ay matapos ianunsyo ni ICI Chairperson Justice Andres Reyes Jr. na magsisimula nang i-livestream ang mga pagdinig simula sa susunod na linggo.


Ayon kay Gatchalian, mas mainam kung transcript na lang ng mga hearing ang ilalabas para manatiling updated pa rin ang publiko.

Aniya, kapag may camera, nagbabago raw ang kilos at paraan ng pakikitungo ng mga tao kabilang na ang mga komisyoner.


Ang ICI ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 94 noong Setyembre upang imbestigahan ang lahat ng proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno sa nakalipas na 10 taon, kabilang ang mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects na kinasasangkutan umano ng ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *