LISTAHAN: Mga Bahaing Kalsada sa Metro Manila noong Hulyo 24

Ilang kalsada sa Metro Manila ang lubog pa rin sa baha dahil sa walang humpay na pag-ulan mula sa Severe Tropical Storm Emong at habagat, ayon sa MMDA.

Ayon sa PAGASA, huling namataan si Emong sa 245 km kanluran ng Bacnotan, La Union. Taglay nito ang lakas na 110 kph at bugso na aabot sa 135 kph. Signal No. 3 ang nakataas sa hilagang Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani) at kanlurang La Union (Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, San Fernando City, Bauang, Caba).

Iba pang lugar ay nasa Signal Nos. 2 at 1 pa rin.

Ayon sa PNP, umabot na sa 12 ang bilang ng nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa Luzon.

Habang si Emong ay nananalasa, si Tropical Storm Dante naman ay nananatiling malakas. Huli itong namataan sa 790 km silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang hangin na 75 kph at bugso na 90 kph, patungong north-northwest sa bilis na 15 kph. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *