Binawi na ng Professional Regulatory Board of Civil Engineering ang lisensya ni dating Bulacan District Engineer ng Department of Public Works and Highways na si Henry Alcantara dahil sa mabigat na paglabag sa professional at ethical standards kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.
Ayon sa PRC, napatunayang may pananagutan si Alcantara matapos siyang mapabilang sa mga responsable sa paglalabas ng pondo para sa mga hindi umano umiiral o tinaguriang “ghost” infrastructure projects.
Batay sa desisyon ng board, sinadya umanong aprubahan ni Alcantara ang mga bayarin para sa naturang proyekto, na isang malinaw na paglabag sa Code of Ethics ng mga civil engineer at pagtataksil sa tiwala ng publiko.
Mayroon pang 15 araw si Alcantara upang magsumite ng motion for reconsideration.
Kapag ito ay ibinasura, maaari siyang umapela sa Commission Proper sa loob ng itinakdang panahon. | via Judea Bernardo
