Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw na suspensyon ang lisensya ng isang rider matapos mag-viral ang kanyang video kung saan makikitang nagsasayaw ito habang nakatayo sa kanyang motorsiklo sa gitna ng kalsada.
Ayon sa LTO, pinadalhan na nila ito ng show cause order at binigyan lamang ng hanggang August 20 para magpaliwanag.
Posible ring maharap sa kasong reckless driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang pasaway na rider.
Muli namang nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) na hindi nila titigilan ang paghuli sa mga pasaway sa kalsada.