Lisensya ng driver na nanakit ng magkakariton, sinuspinde ng 90 araw

Mariing kinondena ng Land Transportation Office (LTO) ang pananakit ng isang driver sa lalaking nakaalitan nito habang nagtutulak ng kariton na may kasamang bata.

Sa isang viral video, makikita ang pickup driver na binatukan at minura pa ang lalaking magkakariton kasama ang kanyang anak.

Nabangga umano ng kariton ang sasakyan.

Sa matinding takot ay maririnig din ang pag-iyak ng bata.

Kasunod nito, inatasan ni LTO Chief Markus Lacanilao ang pagsuspinde sa lisensya ng driver ng 90 araw.

Pinagpapaliwanag din ng ahensya ang may-ari at driver ng sasakyan sa December 17 kaugnay ng insidente.

Babala ni Asec. Lacanilao, posibleng matuluyang i-revoke ang lisensya ng driver lalo na kung hindi ito dadalo sa pagdinig.

Iginiit ng LTO chief na hindi nila kukunsintihin ang ganitong asal sa kalsada at kung totoo man ang paratang ayon sa video ay kinakailangang papanagutin ang driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *