Isang mahinang lindol na may lakas na 2.2 magnitude ang yumanig sa silangang Camarines Norte nitong Martes ng madaling araw, ayon sa Phivolcs. Tumama ito bandang 1:43 a.m. malapit sa bayan ng Vinzons. Walang iniulat na pinsala o aftershock.
Samantala, limang lindol ang naitala sa Quezon province sa parehong araw! Unang yumanig ang 1.5 magnitude na lindol sa General Nakar bandang 1:47 a.m. Sinundan ito ng mas malakas na 2.3 magnitude sa Jomalig, 3:32 a.m.
Dalawang sabay na pagyanig naman ang naramdaman sa kanluran ng Panukulan bandang 4:14 a.m., na may magnitudes na 2.2 at 2.4. Huling naitala ang 1.5 magnitude na lindol sa hilaga ng Patnanungan, 6:32 a.m.
Lahat ng lindol ay tectonic, at walang iniwang pinsala o aftershocks. | via Allan Ortega | Photo via anews.com.tr
Lindol sa Camarines Norte at Quezon
