Lima, sugatan sa sunog sa Mandaluyong

Lima ang sugatan, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos sumiklab ang sunog sa Barangay San Jose, Mandaluyong City kaninang umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy bandang alas-6 ng umaga, mabilis na kumalat, at umabot hanggang third alarm.

Naapula ang apoy matapos ang tatlong oras.

Sinabi ng mga awtoridad na kabilang sa mga nasugatan ang dalawang batang lalaki na edad 11 at 16, at tatlong kalalakihan.

Ginamot sila dahil sa gasgas, hiwa, at bahagyang paso.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala sa mga ari-arian.

Ayon sa Philippine Red Cross, nagpadala ang kanilang mga volunteer ng isang fire truck at isang ambulansya upang suportahan ang operasyon ng mga bumbero at magbigay ng agarang medikal na tulong sa lugar. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *