Lima arestado, kabilang ang isang senior citizen sa raid ng drug den sa Maynila

Drug den sa Maynila, ni-raid. Lima, kabilang ang isang senior citizen, arestado!

Matagumpay na nabuwag ng mga otoridad ang isang drug den sa Sta. Cruz, Manila kung saan naaresto ang limang drug personalities, kabilang ang isang 62-anyos na senior citizen, bandang hapon ng Huwebes.

Nakumpiska sa buy-bust operation ang tinatayang 15 gramo ng shabu na may halagang ₱102,000, kabilang ang mga sachet at iba pang gamit sa droga, pati na rin ang buy-bust money at ID.

Naaresto sina “Jess” (62, walang trabaho), “Nando” (54), “Prince” (25), “Don” (37), at “Drew” (27), na pawang taga-Maynila. Lahat ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165.

Ayon sa PDEA NCR, patuloy sila sa pagpapatupad ng anti-illegal drug operations upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Metro Manila. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *