Sabay-sabay na nag-walkout ang mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo ng unibersidad bilang panawagan laban sa umano’y umiiral na katiwalian sa bansa.
Nagsimula ang pagkilos sa apat na lugar sa campus, Palma Hall, College of Science Complex, Vinzons Hall, at Plaridel Hall bago nagtungo sa harap ng Quezon Hall.
Kabilang sa mga nagbigay suporta ang ilang dean mula sa sampung kolehiyo tulad ng Arts and Letters, Science, at Media and Communication ngunit hindi tulad ng nakaraang walkout, hindi pormal na inendorso ni Chancellor Edgardo Vistan ang kilos-protesta.
Ito na ang ikalawang walkout sa loob lamang ng isang buwan.
Ang naunang “Black Friday” protest ay umabot sa mahigit 3,000 kalahok isa sa pinakamalaki mula nang matapos ang pandemya.
Sa ngayon, nagmamartsa ang Diliman contingent patungong Mendiola upang makipagtagpo sa iba pang unibersidad.
