Libreng sakay, ipapatupad sa mga tren sa November 10-11

May libreng sakay ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sa buong araw ngayong Lunes, November 10 hanggang November 11 dahil sa Bagyong Uwan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero sa kasagsagan ng bagyo.

Mananatili naman sa normal operating hours ang mga linya ng tren ngayong araw.

Maliban dito, magde-deploy rin ng mga bus ang Office of the President (OP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), at ang tanggapan ni Senator Erwin Tulfo upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero ngayong araw.

Ang libreng sakay sa bus ay dadaan sa mga rutang Quiapo-Fairview, Quiapo-Angono, Lawton-Alabang, Roxas Boulevard-Sucat at Taft-Cubao.

Posible namang palawigin ang libreng sakay sa mga bus hanggang bukas, November 11, kung kakailanganin. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *