Magandang balita para sa mga pasahero! Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang libreng sakay sa mga Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) mula April 30 hanggang May 3 bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa.
Ayon kay Marcos, ito ay isang munting pasasalamat sa mga manggagawa bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kontribusyon sa ekonomiya at lipunan. “Happy Labor Day!” ani ng Pangulo.
Libreng sakay sa buong araw para sa lahat ng pasahero. | via Lorencris Siarez | Photo via John Orven Verdote
#D8TVNews #D8TV