Libo-libong deboto, nakiisa sa “pahalik” sa Poong Jesus Nazareno

Libo-libong deboto ang nagtiyagang pumila sa unang araw ng Pahalik sa Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand kahapon Miyerkules.

Alas-4:00 pa lamang ng madaling araw ay marami nang nakapila, kabilang ang ilang senior citizen at Persons With Disability.

Sinimulan ang Pahalik bandang alas-7:00 ng gabi nang matapos ang misa para sa mga volunteer sa Traslacion.

May ilang mga reklamo na sumingit ang ilang volunteers sa pila para sa tradisyunal na Pahalik.

Pero giit ng Hijos del Nazareno, walang nangyaring singitan dahil walang priority system.

Kung matatandaan, pansamantalang itinigil ang Pahalik noong COVID-19 pandemic kung saan ipinagbawal na ang paghalik at paghipo sa imahen.

Pinalitan muna ito ng “Pagpupugay” bilang alternatibo sa pagsunod ng health protocols sa kasagsagan ng pandemya.

Batay sa datos ng Manila Police District, as of 11am ngayong Huwebes, aabot na sa 10,000 indibidwal ang nakiisa sa Pahalik. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *